Ako si Richard. Ikaw, ano ka?

HomeAbout MeDec 5, 2007

Latest from Plurk.com

martyr CHADera is reading Tales of Manuvu - View responses now



Sa pag-ikot ng buhay ay natuto tayong kumilatis at kumilala ng tao.

Ako si Richard. Ikaw, ano ka?
 

Nianais kung palawigin kung sino ako ngunit, nais kung malaman naitanong mo na ba sa sarili mo kung "Ano ka?". Hindi ko gustong malaman kung ano ang kasarian o ang gender preference mo, gusto ko lang malaman kuna ano ka dito sa mundong ibabaw, ako hindi ko pa alam. Basta ang alam ko,

Ako si Richard. Ikaw, ano ka?


  Ninais kong maging pintor, maging designer, maging isang mahusay na artista sa ilalim ng kurtiina ng teatro na kung saan ako ay hinahangaan dahil sa aking taglay na galing, ngunit ito ay mga pangarap lamang dahil ako ay nauwi sa pagkuha ng kurso sa di malamang kadahilanan. At dahil doon ang isang tulad ko ay naging isang kasambahay sa bahay na hindi ko pinapangarap na tirhan. Nabagtas na ang mga daan patungo sa simbahan ng San Pedro, nakasakay na ng de-motor na bangka upang tawirin ang Ilog ng Davao, naranasan maging sundalo in the making, kumakain ng kwek-kwek sa harap ng City Hall. Narating na ang tianggehan sa Uyanguren, na lahat ng stall nagmumurahan sa presyo. Ilang beses na nalibot ang People's Park, Narating na rin ang Mer Grande Beach Resort, at nalakad na ang kahabaan ng San Pedro Street na kung saan marami din tianggehan. Nawiwili sa pagkuha ng mga larawan, nakabali na ng isang memory card, nakabasag na ng mga aparatong pang-laboratoryo, beaker, alcohol lamp at stirring rod. Nalakad na ang Quirino Ave. Kinalaban ang titser sa Ingles sa pangalawang semestre, nabuhay sa pagkain ng tsokolate na dalawang peso ang mahal keysa sa totoong presyo. Para na ring pulubing natutulog sa malamig na semento ang kaibahan lang ay may gamit akong dalawang manipis na kutson bilang higaan. Nahihilig sa mga kanatang pinasikat nina Alicia Keys, Mariah Carey, Jordin Sparks, Kelly Clarkson, Carrie Underwood, at Leona Lewis. Patay na patay sa kantang Bleeding Love ni Jesse McCartney at theme song ng buhay ang kanta ni Barbie Almalbis na Someday.Anak ng retiradong pulis at minero may anim na kapatid.Napabilang sa 2008 Candyblogawards Semi-Finalist sa Kategoryang Best Blog Name ang kanyang unang Blog Driving Shotgun, with hair Undone. Natutong mag Internet noong Third year High School hanggang ngayon ay hinahasa pa niya. Mag iisang taong Class mayor ng Bachelor in Computer Technology Section A. Nahihilig sa pagkolekta ng WITCH mag at mahilig magbasa ng Candymag. Pangarap kong maging si Alice ng Wonderland, ngunit hindi ko gagawin ang pag-alis, mamumuhay akong puro hindi normal ang kasama, kung saan malaya akong mangagarap na lahat ay matutupad.

"If Wonderland was that wonderful, Then why Alice choose to leave? Probably, because there are things better lived out rather than just dreamed about"
- Inday Binayubay




 
 
VOTE ME HERE 
 
 
.
.
.